21.09.2021

Paolo Contis nagsalita na tungkol sa 3rd party issue

2 min read

Pagkatapos ng ilang linggo sa kanyang pagiging tahimik sa issue nila ni LJ Reyes ito at nagsalita na si Paolo Contis para ituwid kung ano man ang mga naging sabi sabi patungkol sa kanya at sa 3rd party issue kay Yen Santos.

Ito at basahin nyo ang kanyang Tweet

After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito…

  1. Drugs – Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.
  2. Third Party – Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.
  3. Yen Santos – She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.
  4. Baguio – When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.
  5. Lolit – Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo diba? Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang naguusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni Nay Cristy.

I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna. Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata. Madami pang kailangan pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.

At meron pa itong mga karugtong mga ka Sikat abangan lang dito sa ating official website Sikat ang Pinoy ang mga susunod na mga mangyayari. Image grab from Filipino Times

More Stories

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Notice: ob_end_flush(): failed to send buffer of zlib output compression (0) in /home/sikatangpinoy/public_html/wp-includes/functions.php on line 5107