21.09.2021

E-Sabong vs Traditional Sabong

1 min read

E-Sabong vs Traditional Sabong

Bilang isang Sabungero tayo po ay nangangamba at halos nawawalan ng kita dahil sa pag umpisa at kasagsagan ng Pandemya ng bansa. Apekto and Sabong Industry kung saan lahat ng sabungan sa buong bansa ay nag sara at pagkatapos ng ilang buwan ay bumukas ang Online Sabong na pinamumunuan ni Boss Atong Ang at ngayon sa panahong ito ay patuloy parin ang E-Sabong na kung saan ito lang ang rehistrado sa bansa.

Nangangamba ang karamihan lalo nat ang mga taong kumikita dahil sa industriya ng sabong kagaya ng mga Handlers or yung mga nag kukundisyon ng manok, mga Gaffers or yung mananari, mga tauhan sa loob ng sabungan or empleyado, Cristo na ito dito rin kumikita, Mga Farm na nag bebenta ng manok ay apektado din dahil sa kawalan ng kita at kung meron man ay masyadong mababa ang market value ng manok panabong at marami pang iba.

Halos mag dadalawang taon ng hindi pa nag bubukas ang mga sabungan at lahat po ng mananabong sa buong bansa ay nananawagan na buksan na ito dahil nagugutom na ang kumikita dito at milyong tao din ang apektado.

Ang sabong ay isang multi billion industry sa Pilipinas kung saan dito tinatanghal ang napakalaking event na tinatawag na World Slasher Cup at sinundan ito ng World Pit Master na kung saan kahit sinong bansa ay pwedeng sumali.

Kailan kaya maibalik ang tradisyonal na Sabong sa Bansa?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Notice: ob_end_flush(): failed to send buffer of zlib output compression (0) in /home/sikatangpinoy/public_html/wp-includes/functions.php on line 5107